Pages

Tuesday, October 4, 2011

Tigil Pasada, a transport strike

Noong Setyembre 19, nagkaroon ng tigil pasada ng mga jeep. Buti na lang mga FX hindi sumama, kung hindi, hindi kami makakarating sa Cubao mula Antipolo. Ang luwag ng kalsada ng Marcos Hi-way ng bandang mga 10 am, kahit rush hour dapat n'un. Nagsikip na lang sa bandang kanto ng Anonas at Aurora. Pagbaba namin narinig namin ang boses ng mga aktibistang kinokondena ang pagtaas ng presyo ng langis. Maraming pulis na pustura at parang bagong almirol ang uniporme, nakaabang kung sakaling may kaguluhang magaganap.

Kahit pa may tigil pasada, may iba pa ring jeep ang hindi sumali. Sinisigawan sila dahil parang walang pakisama, eh para naman sa ikakabuti nila ang ganoong rali. Bawat panig ay may punto. Ang isang panig, sakripisyo muna ng kita para sa pagbabago, ang kabila naman, pano na ang kita para sa pamilya. Sabi ko na sa inyo madali akong maapektuhan, nakakapukaw isip ang ganitong uri ng pakikipaglaban.

tigil-pasada
Kuha gamit ang Yashica FX-D, redscale film, 1/125, f/8, 75 mm zoom lens

Nasa kabilang panig kami ng Aurora Boulevard. Mas tanaw ko ang mga miyembro ng media na kumokober ng kakarampot na bilang ng mga aktibistang nagnanais ng pagbabago.

PEACE

2 comments:

  1. Tama ka, parehong may punto ang magkabilang panig. My heart goes out to them, I know they work so hard and yet earn so little... ang hirap no?

    ReplyDelete
  2. Talagang minsan, nababagabag ako sa mga suliraning ito ng lipunan. Pero wala rin akong magawa...

    ReplyDelete

I love to hear from you. Yes, you. Your comments are most welcome. :))

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...