Dapat natutulog na ko, marami pa kong dapat gawin. Tapos may sakit ako na natutulala, kaya ayan ang productivity level zero.
Gusto ko lang sulatin na ito na naman ang panahong nawawala ako sa sarili ko. (Binura ko yung ibang namakinilya ko, too much information, bordering on whining/ranting) Anyways...
Balik sa blogs na binabasa ko. Masarap isipin na may mga taong astig na may boses sa ka-internetan. Masarap makabasa ng mga bagay na nakakarelate ka. Minsan kasi dinidibdib ng mga tao kung ano mang kabadtripan na naranasan nila, nagpapaka-Atlas-pasan-ko-ang-daigdig-mode, nalulunod na lamang sa kabadtripan. Sa akin ang solusyon ko, hanap ng ibang tao na iba ang perspektibo sa mundo. May ibang karanasan, may ibang boses. Kahit hindi mo pansin, makakatulog 'yun para magkaroon ng mas positibong pananaw, pampagaan ng dalahin.
Muntik na kong matalo ng kabadtripan ngayong araw na 'to, dala ng mga iba-ibang pangyayaring nakakabadtrip sa loob at labas ng bahay. Pero ayoko magpatalo. Gusto kong maging ganap na astig. Dati kalo ko astig ako, lalabanan ko ng alak ang lahat. Hindi ko alam pano ako nakapag-function sa lipunan na parang dextrose na ang alak sa dugo ko. Pero ako rin yung talo, kasi nasira ang kalusugan ko. Marami na kong hindi magawa gaya ng dati. Hindi naman ako nagka-cancer pero muntik ng magkaroon ng liver cirrhosis at kung anu-ano. Tinanggal na rin ang apdo ko. Hindi na rin ako maliksi gaya ng dati. May kung ano-ano akong nararamdaman kung mali ang nakain ko, atbp, atbp, atbp.
Kahit ganunpaman ang nangyari, hindi ko masisi ng husto si alak. Ako kasi nagdesisyon nun noon. Hindi naman niya sinabing abusuhin ko siya pero ginawa ko. At dahil dun, marami akong natutunan. Sa sunod ko na lang isulat, kapag sinipag ako ng husto.
Ito muna ang photo of the day ko.
Hindi ako relihiyosa. Pero nagpupunta ng simbahan. Magulong ipaliwanag. Ang kuha kong ito ay isa sa mga bagay na nakaka-fascinate sa simbahan. Nakita ko kasi ang kung anong dalahin nila ay inaasang mawala sa paghipo/pagpunas sa poong may pasan. Tapos ang isang bata lamang ang tila walang bumabagabag at nakuhang tumingin sa pali-paligid niya, ayan nakita niya ko, parang stalker. Klik.
PEACE
salamat sa pagdalaw sa aking bahay dito sa net ang aking tontong blog! meowmeow! be happy!!!!! ano naman ang pinagmumuni-muni mo?ahehehe...
ReplyDeletepag malungkot ka, dalaw ka lang sa blog ko kasi sa susunod puro mga nakakatawa nalang ang isusulat ko, dahil ginagawa ko na ang layout para sa personal blog ko, seryoso naman itu..haha again be happy!!!!
haha salamat, oo naman, kakaaliw kaya ang blog mo. isa ang blog mo na napawala ng badtrip ko. laugh trip ang dulot.
ReplyDeleteThat's great, keep on writing. :D