Pages

Sunday, October 16, 2011

Bonsai

Nagtitingin ako sa mga lumang kuha ko, nahanap ko ang mga larawan nu'ng Marso pa kinunan yata, sa isang exhibit ng mga world-class bonsai. Nakakabilib ang kakayahan ng mga eksperto sa pagbobonsai. Japan ang pinagmulan ng sining ng paggawa ng bonsai, talagang may ugali silang gawing cute ang mga naglalakihang bagay gaya ng mga puno.

Hulaan niyo kung anong lahi ng puno ang mga ginawang bonsai sa sumusunod. :) Karamihan sa mga punong ito ay hindi bababa sa edad na 50.
a

e

May bisitang tagapagsalita na galing pa sa Tsina na tumatalakay at nagtuturo kung paano ang paggawa ng bonsai. Sa pagkakaalala ko, merong translator ang ginoong tagapagsalita.
f

Ayan, diyan sa lugar na 'yan ang exhibit. Sa walkway nakahilera ang mga halaman. Kahit isa sila sa mga malalaking kapitalista, mabuti naman nakakaisip sila ng mga ganitong exhibit para sa mga taong gaya ko na napapadaan lang sa mall dahil daanan talaga siya.
b

Lahat ng larawan ay kuha gamit ang point-and-shoot Kodac EC, Kodak Ultramax Color ISO 400. Hindi kayang patayin ang flash, kaya halos lahat ng kuha ay may mga bahaging overexposed. Ito ay unang gamit ko sa camera, naaliw ako dahil merong slight vignette sa ilang kuha.

PEACE


No comments:

Post a Comment

I love to hear from you. Yes, you. Your comments are most welcome. :))

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...