It is a bit ironic that my previous post is a year old, and was written at around the same date as today. New home. This week, I said goodbye to my old new home, and now I'm writing about my new new home.
In the past month, there is a series of unfortunate events that led us to the decision to sell that house and just rent a home. The sad thing is that, it's not because of financial reasons, but it's because of our next-door neighbors who did evil things to us, and still are trying to hound us even if we already left. I could detail their evil deeds here, but I choose not to do it (well, not now, thinking about it makes me cry.)
_______
Mahirap palang magkaroon ng sariling mundo, yung tipong pinili mong magkasariling mundo. Halimbawa, hindi ka pala-labas, ayaw mo sa party, marami kang sariling hobby. Mahilig kang magbasa, magmuni-muni, gumuhit paminsan-minsan. Kaunti pero tunay ang iyong mga kaibigan. Hindi ka naman patay na bata, pero hindi lang magaling makihalubilo. Yung tipong kaunti lang talaga ang nakakaintindi at nakakatanggap ng mga trip mo na hindi naman masasama at ilegal, pero hindi lang popular gawin ng mas nakakaraming tao.
Wala ka namang tinatapakan, gusto mo lang ng katahimikan at kalayaang gawin ang iyong mga dapat gawin at gustong gawin, pero dahil iba ka sa kanila, sasaktan ka.
_____________________
We are in love. We have hopes and dreams. We have agendas that lead to fun and happiness. We do stuff that are a bit weird for some, normal for some, but definitely not illegal, but yeah, ok, we're a weird couple because we have our own world doing stuff we want to do. The best thing is, we found a house to live in, and pretend we're Goldberry and Tom Bombadil in a cottage in the middle of the forest. The view is breathtaking, birds were chirping, trees surround us. Then some people came and spoiled it for us.
________________
Gusto mo na lang na huwag sila pansinin. Kaya itinigil mong gawin ang mga bagay na gusto mong gawin, para lang maglaho, huwag mapansin.
Ang hindi mo alam, kapag may ginagawa ka na hindi mo gusto, merong bahagi ng iyong kaluluwa na unti-unting nalalason.
___________
This is a brain-vomit post. I just type, type, type....
_________
Home nga pala title ng post ko.
_______
We endured a month of bullying and other bad stuff from evil neighbors. They really didn't like us the moment we moved in that house, we know that they don't like us, and we thought, "so what, we have our own world within our home." Tahimik lang naman tayo, huwag na lang nating pansinin. The past month is the escalation of the bad things they've been doing consistently, that we chose to ignore before. I became a wreck, I was harassed and was crying most of the time. It was so bad, we had to escalate it to the authorities. (At this moment, there's still some hearings and stuff like that.)
I must stop reliving the details, I don't want to cry anymore.
________________
We left our home. Unang sabi ng ibang tao sa amin, sayang ang pera, tiisin niyo muna, di ba inireklamo niyo na at ihahabla, tapos ngayon ibebenta niyo ng palugi, dami niyo pang pinaayos diyan, etc. etc.
Dahil dito, napaalala sa akin ang isa sa mga rason na mahal namin ang isa't isa. "Ang pera ay madaling kitain. Walang presyo ang katahimikan." Pareho naming naisip iyon.
Kaya naghanap kami ng bagong tirahan, pero renta na muna. At ang nakakatawa pa ay pinipigilan kaming umalis ng mga hayup naming kapitbahay. Akala yata nila may habambuhay silang aapi-apihin. Napahiya pa sila sa ibang miyembro ng komunidad na nalaman ang tunay nilang kulay.
Naramdaman kong kapag may gumawa sa iyo ng kasamaan, hindi naman dahil malas ka, masama lang talaga silang tao. Nung araw na napagdesisyunan naming umalis, nakahanap kagad kami ng bahay na lilipatan.
_________________
Moral of the story:
Kung alam mong loner/weird ka, bigyan kita ng tips sa pagpili ng bahay na iyong ipupundar.
- Mahalaga ang magandang view, pero huwag mabighani kagad sa tanawin mula sa bintana, pansinin kung may katabi kang bahay. May firewall ba ito? Gaano sila kalayo sa pader mo? Suhestiyon ko ay mas mabuti kung wala kang katabing bahay sa apat na direksyon ng bahay mo.
- Obserbahan kung ang mga magiging kapitbahay mo ay iyong mga tipong may "mob mentality," karaniwan sa mga ito ay mga chismosa/o na mahilig magkumpulan. Maganda siguro kung mga isang buwan mong araw-arawin ang pagbisita sa prospect mo na bahay para maobserbahan mo kung ano ang kultura ng mga kapitbahay na nakapaligid sa iyo bago mo pirmahan ang kontrata na binibili mo na ang bahay.
- Alamin kung paano binabayaran ang association dues (kung nasa loob ng subdibisyon), sila ba ay pumupunta para singilin ka o may kailangan kang puntahan na bahay/opisina para bayaran. Mas maganda kung pwedeng bayaran online o pwedeng padalahan ng cheke sa koreo, tandaan, mas kaunting interaksyon sa ibang tao, mas maraming panahon para sa sarili at sa mga taong mahalaga sa iyo.
- Dapat huwag kumuha ng bahay na naka-submeter sa asosasyon ang tubig. Basta, dapat may sarili kang account at metro ng tubig.
- Alamin kung ano ang telecom na maayos ang signal at linya sa lugar, mahalagang may signal ka, telepono at internet. Kapag lahat ng telecom ay paltos ang gana sa lugar, huwag bilihin ang bahay.
- Pero kung loner at weird ka talaga na gusto na living with nature, i.e. nasa mapunong lugar, mas maganda kung ang bilhing bahay ay hindi sa loob ng subdivision, nasa lugar na walang asosasyon para for sure walang manggugulo sa iyo para sa kung anu-anong events, dues, meeting, etc. etc.
No comments:
Post a Comment
I love to hear from you. Yes, you. Your comments are most welcome. :))