Pages

Friday, October 28, 2011

Tara na sa Baguio...

Bukas na ang Lomo Paraiso sa Baguio. Pagtitipon ng mga taong nagkatagpo-tagpo lamang sa Internet sa grupong lomomanila, mga analog film lovers. Baguhan pa lang akong miyembro sa grupong ito, unang pagkakataon kong makita ang aking mga kagrupo. Nagbigay din sila ng pagkakataon na makasali sa photo exhibit ang mga baguhang gaya ko.

Bukas ko pa siguro maiipost dito sa blog ang aking mga isinali, sa ngayon, heto muna ang mga pinagtripan kong gawin noong mga nakaraang buwan:

red shoes

Ang pulang sapatos ng isang ate. Ang totoo ang gusto kong kunan ay 'yung bata, pero hindi ko alam kung anong bahagi ng nasa viewfinder ang mapupunta sa film na bitin, kaya ayan, yung red shoes na lang ni ate ang bida.

at the rublou marketplace

Kalangitan at mga payong. Mga pangdekorasyong baligtad na payong, sa mini-mall hehehe sa Brookside, Cainta. Masayang pumunta rito, lalo na ang pagkain ng burgers sa Burger Joint.

Gamit ang Diana F+ camera. Gumagamit ito ng 120 film, mas malaki sa 35 mm film. Pero pinagtyagaan ni j-pox butingtingin upang tumanggap ito ng 35 mm, kaya't heto ang kinalabasan.
Sakop ang buong negative, kasama ang mga sprockets nito.

Isang maayang araw sa inyo. Excited na kong kunan ang mga pangyayari bukas.

PEACE

5 comments:

  1. Anonymous28/10/11

    Panu mo nagagawa yan???


    :D

    ReplyDelete
  2. lavet, a few mnths ago I was planning to buy a lomo camera kaya lang pinigilan ko ang sarili ko . Mukhang matrabaho kasi pero ngayon mukhang gusto ko na ulit bilhin . I followed you meow para mabalikan ko ang blog mo.

    ReplyDelete
  3. You are really talented. I envy you ... thanks for sharing this

    ReplyDelete
  4. Ive never tried this before and it all looks interesting. Can't wait to see and read your next posts =)

    ReplyDelete
  5. salamat sa inyong pagbisita, :))
    masayang mag-film photography, pag sinipag ako ng post ng mga steps...sori naman kung feeling pro...masaya at madali lang, problema lang minsan hanap ng padevelopan at film

    ReplyDelete

I love to hear from you. Yes, you. Your comments are most welcome. :))

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...