Pages

Thursday, October 6, 2011

Cosplay 2

sa SMX MOA naman ito, noong October 2.

Umuulan nung araw na ito, Linggo, paalis ng bansa si bagyong Quiel. Pero maaraw pa habang nasa biyahe kami papuntang MOA. Nalalayuan ako kapag lumampas na sa Crossing EDSA Central (iba na yata ang tawag sa lugar na 'to, Greenfields?) ang biyahe ko mula Rizal. Pero sayang naman ang pagkakataon, the best cosplay show daw ito ngayong taon. Inaasahan kong maraming dadalo na magagaling mag-cosplay. Kakaiba rin kasi ang tuwa na makita ang mga paboritong anime characters na talagang naglalakad bilang totoong tao.

Napaalala sa amin na malaki ang MOA at kung anu-anong bagay ang pwedeng makita. Kahit maaga kaming nakarating, nakapila kami sa entrance ng SMX bandang 11:30 am na. Ang haba ng pila, matagal at mabusisi kasi ang inspeksyon ng mga gwardiya sa bitbit ng mga taong bagahe. Nakalagay sa paskil nila, bawal ang mga bolpen at mga kahalintulad na matutulis na bagay. Natawa kami ni Pao, eh ang andami kayang mga sandata gaya ng katana, palaso, atbp., na dala ng mga cosplayers. Idagdag pa ang mga mabibigat na props na kapag isinapak sa'yo, kahit hindi mo man ikamatay, ay masakit pa rin.

Pero 'yun na nga isang damukal na bolpen at lapis ang itinatambak nina manong guard sa kahon, galing sa mga bag ng mga dumadalo. Pati yosi sa bag ni Pao eh kinumpiska, bawal daw ang yosi sa loob, wala naman nakalagay sa paskil nila 'yun. Pero sige na nga, palampasin. Masayang araw ito. Laruan na tinda, cosplayers, japanese food, anime showing, 'yun ang mga inasahan ko.

Basta, ang masasabi ko lang, sa sunod na taon, sisiguraduhin kong makakadalo ako sa ToyCon. ;)

Ito na nga muna, pictures. Sa sunod na 'yung iba, kulang pa ko ng 1 roll ng film.

Domo-kun. Makikita niyo ang mga produktong wangis ni Domo-kun sa mga tindahan ng kakyutan na naglipana sa mga mall at tiangge.

Kuha ni Pao sa kanyang digicam.

Hindi ko siya sinasaktan, masaya talaga ako. Totoong masaya, hirap lang niya yakapin. Parang pwede niya kong kainin.

Eto na naman, si Cardboard Box Man. Ang totoo hindi ko sila kilala. Marami na akong hindi alam sa mga kaugnay sa anime, tumatanda na nga ako. Pero siya ang paborito ko.

Kuha uli ni Pao.

Uulitin ko hindi ko siya sinasaktan. Naawa nga ko sa itsura niya sa larawan, para kong inapi. Gusto ko lang parang nakaakbay/yakap sa kamay niya. Siya ang isa sa pinakanakakatuwa sa event.

Sa sunod na uli 'yung ibang larawan.

PEACE

No comments:

Post a Comment

I love to hear from you. Yes, you. Your comments are most welcome. :))

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...