Pages

Friday, October 7, 2011

Muni-muni

Maraming mga bagay na maaring stressor na sa isang tao, sa iba naman hindi. Depende sa perspektibo mo. Nung bata-bata pa ako, kadalasan isinisiwalat ko kagad lahat ng ayaw ko at bumabagabag sa akin. Natutunan ko sa paglipas ng panahon na mangilan-ngilang tao lamang ang tunay na makakaintindi nito.

Pero minsan, hindi mo pa rin ganap maipahayag ito. Mabuti na lang may mga bagay na pagkakaabalahan para hindi yaon bumagabag ng husto.

Masarap isiping ang buhay ay laging may mga nakakatuwang sorpresa. Ano pa mang anyo ng ulap, bughaw pa rin ang kalangitan.


Gayunpaman, may mga bagay na mahirap sipatin. Hindi mo malaman kung bakit ba talaga nangyayari o bakit sadyang hindi maintindihan.


Sa puntong naintindihan mo na, mahirap pa rin tanggapin. Kahit alam mong may susuporta at nagmamahal sa'yo, may mga bagay pa rin na mahirap dalahin.


Alam mo namang titigil din naman ang ulan, hindi naman pwedeng maaraw lagi ang buhay.


Kahit may biyayang bigay ang bawa't pag-ulan at pag-araw, mararanasan mo 'to pero alam mong hindi habambuhay.


May katapusan ang lahat.


Lilipas ang panahon.

Didilim muli ang buhay. Pero ang mahalaga, sisikat muli ang araw.


PEACE

2 comments:

  1. namiss na kita! alam mo ba nakaleave si sir at si tiny.... bday ni sir sa sunday, san kaya sila nagpunta? hmmm. hehehe

    ReplyDelete
  2. ayy ang sweet, pareho silang naka-leave baka isinama na siya ni sir sa kanila :)) hays, images running in my head

    ReplyDelete

I love to hear from you. Yes, you. Your comments are most welcome. :))

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...