Ang personality ko ayon sa mga iba-ibang pagsusulit sa internet ay INFJ (Introvert, Intuitive, Feeling, Judging) o INFP (kapareho sa 3 letra + Perceiving). Counselor o Healer. Counselor/Healer. Counselor-Healer. Teka, yung Feeling hindi ibig sabihin feelingera, sa pagkakaintindi ko ibig sabihin nito maramdamin, ayaw makasakit ng damdamin at nagpapadala sa bugso ng damdamin.
Maraming kung ano-anong paliwanag sila dok ukol sa mga personality. Subukan niyong kumuha ng simpleng bersyon ng Jung/Briggs-Meyer personality test dito. Basahin ang mga resulta at tignan kung tama nga sila dok sa'yo. Para sa akin, medyo tama ang mga basa nila dok. At sa dinami-rami ng mga deskripsyon sa personalidad ko, ang pinakatumatak sa akin ay ang uri daw ng personalidad ko ay ang unang tinatanggal sa trabaho kung merong downsizing na kinakailangan. eeeep!
Mga agam-agam.