Ang walang kamatayang facade shot, siyempre, para sa pagkakalinlan na rin sa kabuuang itsura ng istruktura ng simbahan.
Gamit ay Yashica FX-D, ISO 100 LSI redscale film, pulled to ISO 50, 1/30, f/8
Ang mga simbahang ganito ay nilalagyan ng plaster na palitada para magmukhang makinis. Pero dala ng katandaan, nagbabakbak, at lumalabas ang mga bloke ng adobe (sa pagmamasid ko lang, wala akong makuhaan ng kumpletong impormasyon sa mga materyales). Sana pigilan na lang ng Historical Institute ang paglala ng kalagayan, na ganyan, huwag nang palitadahan o pinturahan pa.'Yung anino sa bandang kanan ay ang mga thick buttresses na sumusuporta sa kabuuan ng simbahan, para hindi mabuwal, lalo na pag lumilindol.
Kitang-kita rito kung gano kalaki ang bawat blokeng ginamit, at saka kung gaano rin kalaki ang buttresses ng simbahan.
Gamit ay Yashica FX-D, ISO 100 Kodak Ultima, pulled to ISO 50, 1/30, f/8
Kaarawan ko pala nung pumunta kami rito. Matagal ko na kasing gustong puntahan. Kahit taga-Rizal na ko, marami pa ring bahagi ng lalawigan ang hindi ko pa nabisita. Sabi ni Pao (taga-Antipolo) na aking kasama, ang Nuestra Senora de Buenviaje na nasa katedral ng Antipolo sa bayan ay orihinal na nandito, pero tila ayaw yata ni Senora rito, (haka-haka namin magubat kasi ang paligid, 'di ba't may parte ng El Filibusterismo na sa Boso-boso nangangaso ng usa 'yung sablay na Kapitan Heneral) kasi naglalakad daw ang imahe sa gabi at tuwing umaga nakikita nila ang santo na nasa puno ng tipulo kung saan narito ngayon ang katedral.
Kuha sa hardin. Malawak, mapuno, maaliwalas. Para akong bumalik sa nakaraang wala pang mga mausok na sasakyan at talamak na urbanisasyon.
(parehong settings sa nauna)
Ayokong mawala ang mga kagaya nitong bahagi ng ating kultura. Hindi ka man Kristiyano o walang pinapaniwalaang diyos, ang mga ganitong halimbawa ng arkitektura ay bahagi ng kasaysayan, sana huwag mapabayaan. Sana lumaganap ang turismo rito, para magkapondo ng informed conservation, hindi lang basta magmukhang bago. Pero katakot, kasi kasama ng laganap na turismo ay mga naliligaw na balahurang maaaring makasira pa ng tahimik at maaliwalas na lugar ng Boso-boso. Walang takas. Hay.
Pero smile naman diyan Pao, i-model mo ang mga moss at lichen na unti-unting kumakain sa mga batong bumubuo ng makasaysayang simbahang 'yan.
PEACE
Meron akong Yashica Electro 35 na camera, pero di ko na magamit dahil di ko alam kung saan ako bibili ng special niyang battery hehe... :)
ReplyDeleteSalamat sa pagbisita :D
Biboy Fotograpiya
Visit the Philippines. Filipino Photo Hobbyist.
naku sayang, pag nakahanap ako ng battery, i-email/comment ko sa blog mo. or kung gusto mo ibenta mo sa akin sa murang halaga ang yashica mo hihihi ;)
ReplyDelete