Pages

Tuesday, September 27, 2011

Shamcey

Nagulat ako at dalawang araw pa lang, nagdeliver na ang Digiprint ng mga pinadevelop na film (film scanned to cd). Ayos sa Shangrila kahit nagsara na ang digiprint sa SM Taytay, may mapupuntahan kami na malapit-lapit. Sa dinami ng mga kinuha kong litrato, ang una kong hinanap ang file ng kay Shamcey. Kinabahan kasi ako dahil redscale ang film na ginamit. Kelangan ng ganung klase ng mahabang exposure para pumasok ang mas maraming ilaw sa film. Ang kapalit ng mahabang exposure ay camera shake or pagiging blurry, lalo't gumagalaw ang tao. Naks dami pang sinasabi, ito na pictures.

Ang motorcade ni Shamcey ay nag-umpisa sa Araneta Coliseum, sa kalye pagitan ng Dome at ng Farmer's. Siyempre may mga fiesta effect muna bago siya.


Tapos ayan na, sa malayo, kumakaway-kaway.


Talagang daming tao ang nagsipagtakbo at pumunta sa center island. Siksikan, paparating na sa tapat namin.


Pero grabe may hawi boys din pala siya. Manong naman, porke wala kami press ID haharang harang ka na diyan?

Papalapit na sa ami ang sinasakyan niya. Hindi kaya siya napapagod ngumiti at nangangalay kumaway?


Ayan, medyo malapit na. Ang hirap mag-focus, ginigitgit kami ng mga humihiyaw na tao. Kasi nga naman, manual na film camera Yashica SLR ang gamit ko, adjust dito doon, sablay pa rin.
Eto na, tumigil sa tapat namin, isang klik na lang sana. Pero...


blag! May bumangga sa camera ko. Ulo ng isang babae, tumunog ang bungo niya. Bakal kasi ang camera. Kala ko napindot ko ng nasa oras, pero hindi, mabagal ako, t@ngna, ulo nung babaeng tuloy-tuloy ang paghiyaw ang nakuha sa litrato. Kapag nasa estado ata ng kasiyahan ang isang tao, nakakalimutan ng utak nilang sabihan sila na "hoy, masakit ulo mo nabangga mo sa bakal." Ewan ko ba. Basta sayang, katapat, in-focus at nakangiti si Shamcey sa lens ko nun, hindi ko nakuha ang kodak moment.

Kultura na natin ang beauty contest. Maski ako na hindi mahilig manood ay parang nasapian ng euphoria ng nasa paligid sa isang kumakaway na musa. Talagang mahihilig tayo sa maganda. Natuwa lang ako kasi biglaang photo-op lang naman 'to gaya ng nasabi ko sa nauna kong post. Masayang mapaligiran ng mga taong natutuwa, at natuwa ako dahil si Shamcey ay may gandang Pinay. Sana huwag siyang mag-endorse ng mga kung anu-anong pampaputi at pampa-"enhance." Maganda na ang kanyang mga natural na katangian.


2 comments:

  1. I love how grainy these images are... Iba talaga pag film ang gamit :)Kaya nitong magproduce ng mga litratong hindi kayang gawin ng isang Digicam :)

    Salamat sa pag-follow :) Sinusundan na rin kita hehe

    Biboy Fotograpiya
    Visit the Philippines. Filipino Photo Hobbyist.

    ReplyDelete
  2. oo nga eh, parang sinaunang larawan lang sa diyaryo ang resulta, salamat sa pagbisita. :D

    ReplyDelete

I love to hear from you. Yes, you. Your comments are most welcome. :))

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...