Hindi ako mahilig pumunta sa mga pagtitipong ito nung kuting pa lang ako. Nahihilo kasi ako kapag maraming tao at nababagot sa mga mahahabang sermon, napapagod sa kakatayo. Pakiramdam ko lahat ng tao ang tatangkad, baka maapakan at mabunggo lang nila ang kuting na kagaya ko.
Pero ngayong tandercats na ko, nahilig sa pagkodak-kodak ng mga tao, mga ganitong pagtitipon naman ang inaabangan ko. Sa mga mahalagang okasyon lang kasi hindi parang pampam magpaka-potograpo. Saka maraming tao ngayon ang praning ma-picturan ng walang dahilan. Isipin pa nila ini-stalk mo sila. Gayunpaman, heto ang mga ilang paborito kong kuha. (Lahat ay kuha gamit ang mga iba-ibang film camera.)
Sabi ni j-pox, naging pang Corpse Bride daw ang dating ng mga kuha ko sa kasal na ito, gaya ng ng nasa taas. Slide film na xpro, kaya imbes na matingkad na kulay, naging may tint ng berde ang kinalabasan.
Heto pa ang iba.
Kumukuha rin ako ng mga larawan ng mga bagay na nasa paligid ng venue. Masyadong abala ang mga tao kapag may handaan, kaya medyo safe na gumalo at kumodak ng kumodak ang isang kagaya ko na hindi masyadong gustong bumeso-beso at makipagkilala sa mga bisita.
Gusto kong ayusin ang mga files ko ng larawan. At gawan sila ng mga maayos na folder, hindi yung diretso mula scanner na numerong file names at folder. Tapos gagawan ko ng maayos na description, 'yung ginamit na camera, film, settings, atbp.
Kinakabahan ako kasi ilang araw na lang, unang pampublikong exhibit ang sasalihan ko. Bukas 'yun sa kahit sino, grupo ng lomomanila ang may pakana, basta sali ko dun sa pinost nila sa fb. Excited na ko pumunta sa Baguio para sa event, wala pa nga kong kilala dun kundi si j-pox kasi pareho ang trip namin na kumuha ng larawan gamit ang film. Kailangan ko pang pumili ng isasaling larawan. Basta ang gusto ko lang naman may makasalamuhang ibang tao bukod sa aming dalawa ni j-pox na gamit din ang film sa pag-picture. Saka siyempre, photo ops ang pagtitipong 'yun, sa Baguio pa, kaya talagang puro daydream ako madalas ng mga dapat gawin kapag break time sa nalalapit na Sabado.
Pakiramdam ko kakasubsob ko sa trabaho, hindi na ko marunong makisalamuha sa ibang tao. Kaya nga kahit pagod, tuloy ko pa rin mag-post sa blog. Kahit papano, naaalala ko na meron pa ring ibang bahagi ang buhay ko bukod sa trabaho.
PEACE
"naaalala ko na meron pa ring ibang bahagi ang buhay ko bukod sa trabaho."
ReplyDeletekapatid, hindi lang sa trabho umiikot ang buhay mo, marami ka pang pwedng gawin maliban dyan, keep that it mind po :)
hi meow. interesting post . Gumagamit ka pa rin ba ng film ngayon . I have a goodfriend kasi and he still uses negatives and films . galing . Parang gusto ko na rin gumamit at bumili ng bagong camera . Love the effects kasi eh.
ReplyDeletei really hope maka attend ako sa future exhibits mo in the future.
ReplyDelete@ T.R. Aurelius, haggardness kasi every end ng quarter ang work namin, super OT... pero salamat sa mga mapagpalayang paalala :))
ReplyDelete@ chino, yup,film pa rin gamit ko, sige lang try mo mag-film photography, mura na ngayon ang film cameras at masayang gawin. :))
@ makunat, wow, salamat nakakataba ng puso ang iyong comment, hindi pa po ako pro, amateur lang hihihi, nakikisaling-pusa sa ibang exhibit salamat pala sa pagbisita :))
bibisitahin ko rin ang mga datkom niyo, salamat sa pagbisita :)) mabuhay kayo