Pages

Saturday, February 23, 2008

Buhay Blog

Blog. Tagal ko nang ginawa tong blog site ko, wala naman akong pi-nost liban sa picture. Pero bigla akong nakapagdesisyong mag-blog.

Hindi ako mahilig sa blog, pero meron akong malapit na kaibigan na buhay niya ang blog. Mas marami siyang nasasabi sa blog niya kumpara sa harap ng ibang tao. Minsan maski sa harap ko hindi niya nasasabi. Naisip ko tuloy mas convenient nga naman ang pagba-blog para makapaglabas ng mga kuro-kurong imbes na nabubulok sa pagmumuni lamang ay nababasa pa ng iba. Mabuti ng kahit anonymous ka may nakikiayon sa iyo or rumereaksyon kesa naman magapangan lamang ng mga ipis ang journal sa ilalim ng kama o mag-amoy naptalina sa loob ng aparador. Nag-blog hopping ako sa mga links ng kanyang site at nabasa ang blogs ng blog friends niya. Iba-iba ang konsepto't mga pananaw, creative ang layout ng iba. Ok pala. Meron pang link akong napuntahan na ayaw sa mga mahihirap [hindi niya blog friend ito, kinumpara lang sa kanya kahit malayo naman ang tema ng kanilang blog]. Sa dinami dami ng mga magaganda at nakakaaliw na blog, matapos kong mabasa ang blog ng isang taong galit na galit sa mga mahihirap at mga taong nagtatrabaho sa callcenter, napagdesisyunan kong mag-blog.
Bakit? Kasi mejo sikat ang blog niya at maraming negative comments, puro anonymous naman. Gusto ko sanang magpost ng comment dun kasi naapektuhan ako, hindi...disturbing kasi ang nilalaman. Gusto ko siyang pagalitan at awayin...pero ayokong patulan, pinigilan ko sarili ko. Gagawa ako ng sariling blog. Kung siya may layang mangalit, ako rin. Kung siya pare-parehong pagiging "poser" na katauhan ang nababasa, ako hindi [Poser blogger na ang term ko na sa kanya ngayon]. Kagaya ng ibang nilalang na nagtatago sa anonymity ng internet o kahit hindi nagtatago gumagamit ng internet para lang mailabas ang mga konseptong hindi sinisiwalat sa iba at mga identity akala ng iba wala ka pwede sa blog. Alam kong alam na ito ng iba pang nagba-blog. Tingin ko si "poser" blogger ay maraming mga frustrations, marami din siyang mga followers na ang tawag sa kanyang posts ay satire [pero sa tingin ko hindi satire, pero sa akin lang 'yun], gusto lang niyang maglabas ng isang bahagi ng kanyang pagkatao, malay ko ba, isa pala siyang napakabait at charitable na tao. Gusto ko lang i-welcome ko ang sarili ko sa mundo ng pagba-blog, kung may mag-welcome na iba SALAMAT na marami.

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...