Pages

Sunday, March 2, 2008

Call Center

Nung bata ako napanood ko sa TV yung pelikula nila Carmi Martin na Working Girls. Sa Ayala sila nagtatrabaho bilang sekretarya, Ayala girls. Corporate outfit, naka-make up, mage-elevator papunta sa opisinang nasa pang-ilang palapag ng modernong gusali. They speak perfect English if needed. Glamoroso ang dating kapag sa Makati, lalo pa’t sa Ayala ka nagtatrabaho, eto ang ipinintang idea ng mga pelikula. Sinasabing, “you’re made!” Circa 1980s yun.

Ngayon, hindi na big deal pag sa Makati ka nagtatrabaho. Naisip ko, ok pala na nagsulputan ang mga call center maliban sa pananaw pang-ekonomiya kundi pati sa pananaw ng social equality. Hindi lang mga yuppies at mga nakakurbatang stockbrokers ang nasa Makati, nandyan ang mga simpleng mamamayang nagko-call center.

Parang mga malls na nagsusulputan ang mga call center maging sa mga rural na lugar. Lumabas sa Metro Manila papunta sa mga probinsiya mapa-Luzon, Visayas o Mindanao. Mga makabagong pabrika, bitbit ng mga empleyado ang pamilya kung saan man sila ilipat o piliing lumipat. O di kaya parang OFW sa sariling bayan nabubuhay sa ibang time zone, nag-iisa. Yung iba hindi nakuntento kundi sa Singapore o Malaysia na pumadpad. Eto na ba ang kayang gawin nating mga Pilipino? Eto ba ang pinangakong trabaho sa mga nag ECE, nag geology o biology, management o accounting?

Ang swerte ng mga Kano, at ng iba pang bansang umaasa sa kanilang rep na maaasahan. Mapa tech support, pagbili o pagbayad ng kung anu-ano, maging sa pagtanong ng direksyon sa kung saan man sila tutungo, may mabait, magalang at matalinong Pilipino silang makakausap sa telepono. Ang galing nating mga Pilipino, lahat alam maski mga taxation at insurance procedures ng US kahit sarili nating buwis hindi natin malaman kung saan napupunta at naliligaw sa kung saan saang opisina pag kukuha ng PhilHealth benefits pag na-ospital. Kabisado ang pagkumpuni ng internet connection o satellite dish tv kahit sa sariling bahay ni walang telepono, computer o cable man lang.

Sabi ng iba, pwede namang magkaroon ng ibang trabaho kung pipiliin mo. Pero napakahirap ng standard of living sa bansa, naglolokohan lang tayong lahat pag naniniwala tayong ang kailangan lang ng isang pamilyang lima katao bawat araw ay 120.00 piso para mabuhay ayon sa gobyerno. Sa isang buwan na may 30 araw, so 3,600.00 piso yun. [I-korek niyo ko kung mali ang halagang sinabi ko ayon sa pinalabas ng gobyerno.]

Ano ba naman daw ang umupo tayo sa isang malamig na opisina para kumausap ng mga foreigner. Mabait nga ang karamihang kausap, natutuwang natulungan sila. Malaki pa ang sinusweldo, nagkakaroon pa ng tirang perang pambili ng mga bagay na mayayaman lang dati kayang bumili. Ano nga ba ang kulang? Ano ba ang mali? Ano nga ba inirereklamo ko?

Iisipin ko pa sa sunod na lang siguro pag naisip ko na ipo-post ko dito.

2 comments:

  1. Anonymous3/3/08

    Ewan ko ba kung ano nararamdaman ko sa call center. Ayoko lang talaga yung stereotype na nakakabit sa title. Unfair sa mga nakakarami na di naman katulad ng iniisip nila.

    ReplyDelete
  2. hai. wala lang. ngayon ko lang to nabasa. ngayon din lang ako nakarelate. nun pinost kasi ang entry na to, isa pa ako sa mga tao na may stereotype sa mga call centers. ngayon kasali na ako sa mga inestereotype ko noon.

    ganito na ata talaga ang trend sa pilipinas. swerte nga ng mga kano noh? sana naman wag silang laging naninigaw. sana maisip nila na tao lang tayo lahat.

    ReplyDelete

I love to hear from you. Yes, you. Your comments are most welcome. :))

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...