Pages

Wednesday, December 7, 2011

New home

Matagal akong nawala sa pagba-blog, maraming kaganapan. Unang-una nasa kabundukan na ko nakatira, mahina ang signal at hindi kinakaya ng internet namin. Ubos na rin ang aking mga pondo dahil maraming kumpuni sa bahay na aming binili. Luma man ito at hindi isang mansion, masaya pa rin ako. Wala pa nga rin kaming kuryente, halos isang buwan na, nakikisaksak lang sa isang mabait na kapitbahay, maaasahan kasi ang natatanging provider ng kuryente dito sa kalakhang Luzon, kilala niyo na kung anong kumpanya 'yun.

Heto ang isang bahagi ng view na nakikita namin sa bakuran. Napapaligiran kami ng mga puno, naririnig ang mga huni ng mga ibon at kung ano pa mang creatures. Pangarap kong tirahan, salamat sa Diyos pa rin dahil sa wakas hindi na kami nagrerenta (naghuhulog na lang ng maliit na halaga sa PAG-IBIG).




Hindi malinaw ang resolution, 2 megapixels lang kasi ito, pero sa malayo tanaw ang mga nagtataasang gusali ng kabihasnan.

Miss ko na ang aking mga paboritong blog, pag naayos na ang lahat, lalo na at pag nagkakuryente, super backread ako ng mga posts. Maligayang araw sa inyo!

PEACE

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...