Pages

Wednesday, November 2, 2011

Cosplay at MOA

or my post-Halloween post.

Quarter-end earnings season uli ng mga kumpanya. Third quarter ng taon na ngayon, at muli nila nirereport kung gaano sila yumaman o nalugi. Kaya ako na naman ay pusang pagod na editor ng transcript ng mga report nila, kailangang mag-research ng terms, alamin ang tamang pagkakabaybay ng salita at tamang gamit ng mga bantas pananda (na hindi ko naman nasusunod sa pagsusulat ko rito). Ingles lahat iyon, kaya't pagdating sa blog ay ninanamnam ko ang aking sariling wika.

Kaya heto, gawa ako ng pang-Halloween post. Pampabalanse kasi ng buhay ang may ibang pagkakaabalahan. Sabi nga ng cliche, "All work, and no play, makes meow a dull cat."

Kahit matagal ko na kinunan ang mga ito. Sa ngalan ng lahat ng mga nag-Halloween costume party neto lang, itong mga taong kinunan ko ay nagko-costume kahit hindi Halloween. Sana'y nakakuha kayo ng panibagong idea sa susunod na costume party niyo. Cute naman karamihan (para sa akin).

Nalaman ko na pinagtuunan nila talaga ang paggawa ng kanilang mga sariling costume. Para talagang gayang-gaya ang kanilang paboritong karakter. Sila lang mismo ang gumagawa nito.

Paborito ko sa mga sumali si manong superman. Young at heart, game na game. Mabait na pumapayag magpakuha ng litrato sa lahat, at talagang mga muwestra ni Superman ay gayang-gaya niya.

Isa pang natutunan ko ay may manager na pala ang ibang cosplayer, parang artista. Yung iba hindi basta-basta pwedeng kunan kahit public event ito. Nung nagbasa-basa ako sa internets, 'yung iba talaga ay ginagawang parang stepping stone sa pag-aartista sa pagko-cosplay. Siguro naengganyo sila sa biglang pagsikat ni Alodia na nagsimula bilang cosplayer. Dati kasi sa pagkakaalam ko, 'yung mga taong gustong maglaro at gayahin ang paborito nilang anime character ang nagko-cosplay. Nahaluan na pala ng showbiz.

Dahil medyo maraming dumedma sa aming iba pang mga nagkokodak, medyo nahiya na kaming magtanong. Kasi bawal daw silang picturan sabi ni manager. Hmmm, kailangan ng talent fee sa public event? Kaya't ayan, mga likod na lang at panakaw na kuha ang ginawa ko, ala-stalker.







Masked Rider! Nagmamadali, baka hinahanap si Black Sun.

Pero, marami ring game at masasayang cosplayer na talagang sinasabuhay ang spirit of cosplay, na ibig sabihin ay "costume play." Marami rin naman mababait na cosplayer. Kaya masaya. Mabagal ang internet ko ngayon, kaya hindi ma-upload lahat.

Balak kong sulatin ang mga pinaggagawa ko sa Baguio nu'ng Sabado't Linggo, pero saka na lang.

-----------

Nakapunta ba kayo sa sementeryo? Nag-party? O nagtrabaho? Para sa mga workaholic na nagtatrabaho kahit holiday, saludo ako sa inyo. Hindi rin ako nakapag-undas ng maluwalhati. Sa aking Pappy na nasa langit, Happy All Souls' Day!

PEACE
Gamit ang Yashica FX-D, ISO 100 film, pulled to 50, f/5.6, 1/60, no flash used

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...