Mahilig ako sa mga pusa, lalo na sa mga pusang gala. Kahit wala akong kakayahang ampunin at alagaan silang lahat, mabigyan ko man lang sila ng pagkain kung meron ako, masaya na ko. Iba-ibang ugali meron ang mga pusang gala, may ayos lang magpahawak, may sobrang praning sa tao, pero ang hindi mawawala sa kanila ay ang mukhang hindi paawa. May dignidad pa rin at namumuhay ng malaya.
Palaman ng Siopao...roadkill...mice terminator...sisiw predator...matinik...midnight prowler...lustful for wanderlust...sweetest house pet...faithful companion...egotistic domestic cat
Ang mga nabanggit ay mga pabirong pantukoy sa mga pusang gala/inampong galo. Sana hindi totoong ginagawa silang siopao kasi kawawa naman sila. Gumawa ako ng listahang siyam ang laman, dahil inuugnay ko ito sa kasabihang ang pusa raw ay may nine lives.
Pero bakit nga ba Palaman ng Siopao ang pangalan ng site ko?
Gaya ng siopao, maraming posibleng palaman. Iba-iba ang lasa, pwede rin lagyan ng iba-ibang sauce, pwedeng maging maanghang o hindi, depende kung anong trip niyo. Kung tutuusin wala talagang tema ang blog na ito, parang journal ko lang. Dahil mahilig akong kumuha ng larawan, parang photo journal ko na ito. Minsan kasi may hindi talaga ako kayang ipahayag.
Ang mga nilalaman ng blog ko ay ang mga saloobin ko. Kung naging makabuluhan man sa inyo o napatawa o naging palipas oras lamang, salamat. Muli, salamat sa pagbisita.
