Wednesday, March 19, 2008

Anniversary

Minsan natutulala ako. Kapag ayoko nang mag-react sa sobrang asar, pikon, lungkot, nakatulala ako. Ayokong gumalaw, ayokong mag-exert ng kahit na anong effort. May mga araw na kagaya ngayon, naiisip ko lahat ng problema habang nag-iisa. Nakakapagod idamay pa ang mga kaibigan ko sa mga dinadala ko, palagi ko na lang sila nagugulo. Kahit sabihin nila okey lang, nade-depress naman ang kalooban ko na parang wala na kong binigay sa kanila kundi problema. Iyakin pa naman ako. Hindi ko mapigilang maluha….Lalo na ang maisip ang isang kaibigang lagi na lang akong dinadamayan. Kailangan ko muna siyang huwag idamay, siguro kuntento siya ngayon sa sariling mundo ng pagmumuni. Marami siyang gustong intindihin sa sarili niya at ayokong makigulo. Gusto ko mang i-text o papuntahin sa akin, yakapin at iyakan, hindi na mangyayari. Wala akong karapatang gawin iyon sa kanya.

Anniversary ng pagiging independent ko mula sa pamilya. February last year ng muntik akong ma-rape nung makitira sa isang akala ko kaibigan ko, kasi umalis ako sa bahay namin. March ng makakuha ng sarili kong apartment, ako lang mag-isa. Nakakilala ng isang masugid na pontio pilatong admirer, May ng patulan ang naturang pontio pilatong admirer. June ng ma-realize kong pontio pilato nga siya. Umiyak ng umiyak, July ng ma-approve sa isang bank loan na kasalukuyang delayed ako sa pagbabayad. At lumipas na lang ang mga buwan at araw na pare-pareho lang. Nagtatrabaho, natutulog, nakikipag-inuman…

Anniversary ng pagiging independent ko, pero napakalungkot ko. Ayokong makakita ng kakilala, gusto kong mag-isa. Ayokong gusto, ayoko dahil sadlak ako sa hirap at problema, gusto kasi pinapasaya nila ko. Masaya naman ang bago kong trabaho. Pero para akong tanga ngayon, naghihintay ng oras ng sweldo, walang makain, walang pang-yosi. Natatakot maputulan ng kuryente. Nagkukulong sa bahay, pinagtataguan ang kolektor ng bangko. Pagdating ng sweldo pambayad kaagad sa apartment, bank loan, kuryente, grocery ng mga kailangan, tapos trabaho uli… Siguro kaya malungkot ako kasi naisip kong anniversary pero walang kwentang anniversary.

Anniversary ng mga pinakamalungkot na pangyayari sa buhay ko. Anniversary ng nakakilala ng mga malupit na tao. Anniversary ng na-rewire ang utak ko. Hindi ko na mabalik ang dati kong sarili. Mahirap mag-isa.

Kaya nga independent eh, nag-iisa…tanggap ko pero hayaan ko muna ang sarili kong umiyak, malungkot. Kailangan kong iproseso ang kalungkutan ko sa sarili ko. Kahit gusto kong yumakap ng tao at humanap ng makakaunawa, pagiging makasarili ko lang pinapairal ko. Searching for intimacy somehow deludes me, parang niloloko ko lang ang sarili ko dahil ang totoo, hindi pwedeng maunawaan ng ibang tao ang lahat ng niloloob ko. Pero humans long for comfort even thru a mere embrace, and I badly need one right now, after all I’m merely human. Caught up in different intricacies of life, everything is so convoluted nothing makes sense why….gosh I’m not making sense.

Hindi ko man maalis ang kalungkutan ko, dadamahin ko na lang, tatanggapin. Para pag harap ko sa iba, masaya na uli ako, functional, logical, sociable.

1 comments:

  1. Anonymous20/3/08

    Maraming magandang bagay na nangyayari sa buhay mo ngayon. Methinks, you deserve to be happy. Hehehe.

    ReplyDelete

I love to hear from you. Yes, you. Your comments are most welcome. :))

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...