Tucked in [ver 2.0]
Naranasan niyo na ba na mapunta sa isang lugar na pare-pareho ang itsura ng mga tao? Hindi sila magkakamukha or kambal pero nagiging magkahawig sila dahil pareho ang dating ng damit, ayos ng buhok, overall appearance. Halimbawa, makikilala mo si barbie kahit naka mermaid or fairy costume pa siya or naka-ball gown or naka-swimsuit. Kasi isa lang ang dating niya. Tapos pag napadpad ka sa lugar na iyon na pare-pareho ang ayos ng mga tao out-of-place ka talaga. Or ikaw ang pagtatawanan kasi iba ka. Ok lang sa kin yun. Halos iba-ibang dimension na ng twilight zone ang napasukan ko. Pero ngayon nasa twilight zone ako ng mga naka tuck-in at pare-parehong buhok.
Tucked in, redundant na daw ito, direct translation ay ipinasok sa loob sa loob, hehe. Pero sanay tayong mga pinoy na gamitin ang terminong ito [tak-in pag Pinoy na pinoy ang translation]. USO ang tak-in sa opisina namin, ewan ko ba. Parang ito ang kanilang fashion protocol. Pero kakaiba ang dating, hindi ko ma-explain. Babae, lalake, bading, tibo, matangkad, pandak, mataba, payat nakatak-in!! Kalayaan nilang gawin iyon, mystifying lang haha. Ako tuloy ay out-of-place, haha. Hindi naman ako mahilig makiuso sa mga bago sa fashion [victims?] hehe. Wala akong pakialam sa kanila, wag lang nila akong pakialaman. Pero nangingialam sila eh. Pasensya na sila hindi ako naaapektuhan sa tyranny of the majority.
Less angst, less okray tong post na to, pano nabura ko yung unang post about tucked in. Sayang ang saya pa naman namin ng mga kaibigan ko kanina, nung pinag-uusapan namin ang mga nakatak-in.
0 comments:
Post a Comment
I love to hear from you. Yes, you. Your comments are most welcome. :))