They are paying me to surf. Hehe. Not really, its just that I have a new job, tapos na kasi training pero wala pa kong mga login para sa mga tools. Haha. [Para po sa mga hindi maka-relate, sa callcenter po ako nagtatrabaho.] Kaya eto, sinisipag gumawa ng pangalawang post.
Nung bata pa ako, wala pang call centers kaya hindi masasabing pinangarap ko ito. Di ba noon ang mga cliche na sagot sa tanong "anong gusto mo maging paglaki mo?" [tanong ng mga makukulit na matandang paulit-ulit lang ang mga questionnaire; "ilang taon ka na?"; "how are you?"; etc., etc..] ay doktor, nurse, engineer, scientist, astronaut!!! Wala akong mga kababatang naging astronaut. Yung iba nurse, engineer, scientist/science teacher, yung iba puro pre-med hindi naman natutuloy sa pagiging doktor. Naisip ko tuloy, ano kaya ang mga gustong maging ng mga bata ngayon. Ang dami ng posibleng career: starstruck; PBB; sexbomb dancer. Nakakalungkot pero nung minsang naglalakad ako sa isang paaralang elementarya malapit samen, [uwian na nila, ako kagigising lang] nagpapatalbugan ang mga bata sa gusto nilang maging paglaki nila, at ang mga nabanggit kong "career" ang mga pinapangarap. Meron pa nga gustong manalo sa Wowowee.
Wala namang masama mangarap ng ganon ang mga bata. Hindi ko alam kung bakit ako nalungkot, hindi na doktor, nurse o engineer ang mga usapan. Pero malay ko, baka nga sila pa talaga ang maging doktor, engineer o astronaut sa hinaharap. Karamihan kasi ng mga kababata ko [nung elementarya at high school], kahit ano pa man ang tinapos, call center pa rin. Mga nilalang na may mga pinangarap ngunit natalo ng dala ng pangangailangan.
starsruck, PBB, sexbomb dancer is the result of too much TV may kapitbahay pa nga akong gusto maging Zaido paglaki WTF!
ReplyDeleteButi na lang ako walang pangarap. bukod sa artista at ngayon gusto ko manalo sa Lotto.
ReplyDeletePero nakakalungkot yan siguro para sa mga tao na amy focus na di maaabot pa ang kanilang mga pangarap.