Sociable. Ito ang description saken ng isang kaibigang malapit. Friendly at maraming kakilala. Natatawa naman ako kasi tingin ko sa sarili ko loner ako. Kahit marami akong kasama, maraming tao sa isang lakad at nakikipagkwentuhan pa sa kanila pakiramdam ko parin loner ako. Minsan walang choice dahil nadadala ako ng social expectation to be sociable. Humans are meant to be sociable daw. Hindi ko naman pinaplastik mga kasama ko, dahil kung ayaw ko talaga, gagawa ako ng paraan para iwasan ang taong ayaw ko, mapalayo man ako ng daan, basta masasalubong ko iiwas pa rin ako. Pero mababait naman kasi ang karamihan sa kakilala ko, hindi ko lang talaga ka-close. Hay labong ipaliwanag.
Loner ako na tipong kahit walang kasabay mag-lunch o magyosi, kaya ko. Kahit magbasa lang ako sa isang sulok, ok lang. Mag-isa ako sa bahay, masaya pa ko. Madalas umiiwas ako sa crowds kasi naiingayan ako. Nagsasawa din akong lumabas kasama ng mga kaibigan ko pag marami kami masyado. Pero minsan gusto ko rin. Hindi naman ako depressed, may kasama o wala ok lang pareho. Siguro ang gusto kong sabihin, aanhin ko ang maraming kasama kung hindi naman sila masarap kausap. Para lang accessories, hindi kailangan, pero magandang tignan. Nakaka-guilty kasi madalas napakagenuine ng kanilang concern saken, pero pag namatayan sila ng kamag-anak parang hindi ko maramdaman ang kanilang kalungkutan at ang need for me to comfort them. Empty words.
Marami akong tunay na kaibigan, hindi lang nagkakasabay-sabay silang kasama ko, paisa-isa, padalawa-dalawa. Madalas true friend + a horde of acquaintances. Siguro masisiyahan akong lumabas kasama ang isang tropa pag nagkasama-sama lahat ng true friends ko, pero malabong mangyari sa ngayon. So loner ako, nahihirapan akong maging sociable. May lump sa dibdib ko pag ako'y naka-smile while saying empty words. Hindi ko sila pina-plastik, nahihirapan lang akong mabuhay nang ganon pero hindi maiwasan.
Try mo ang test na ito:
ReplyDeletehttp://www.humanmetrics.com/cgi-win/JTypes1.htm
Dito ko nalaman na INTP ako, pero INTJ na ako ngayon, nakakalungkot. Hehehe!